Tuesday, July 14, 2009

It's a boy!!!

This morning around 7:30AM, I woke up to pee. After peeing, I felt sudden pain on my lower left abdomen. As in, hindi ako makatayo ng straight sa sakit. So I lay down in bed and told it to my husband (he was awake). Sabi nya magrest daw ako, so nagrest ako but he was worrying about me. He went back to sleep while ako naman ay trying to ease the pain. It was really painful talaga na I can't do the side line position kasi sobra sa sakit. I am the type of person that i'll take the pain na lang instead of taking pain meds as I don't really like taking pills. Sometimes pa nga when my ulcer attacks me eh tinutulugan ko na lang ang sakit. But I can't tolerate the pain this morning, I can't even get up and sit and I was screaming every move I make. Around 9:00AM, I woke my husband up screaming because of the pain. He told me that he will bring me to the nearest hospital (there is no OB/GYN dun kundi ER lang) so he tried to lift me up pero I screamed again kasi sobrang sakit at dapat ay 2 ang bubuhat sa akin so he dialed 911 and grabe! within 2 mins ambulance came. Two big guys lifted me gently to the gurney and wala akong nafeel na sakit sa pagtransfer sa akin. They checked my vital signs and they are all normal pati yung oxygen level ko, 98% daw.

Sa hospital, they gave me pain killer shot saka isa pang shot pangpakalma ata yun? basta after few secs lang na tinurukan ako eh nawala yung pain tapos I felt dizzy and weak. I can't even open my eyes pa nga kasi dahil sa shots pero I can hear on what's happening around me (super na groogy ako at na high sa gamot lol). After an hour (ata) kinuha yung urine sample ko. Yung result ng urine test ko normal, walang nakitang bacteria. Ok din daw yung kidney ko. Naultrasound ako ng di oras (dapat this coming fri sched ko sa OB) kasi kailangan i-check si baby. We heard the baby's heartbeat saka sa ultrasound ay gumagalaw siya at paikot ikot pa lol! Nirelease din ako sa ER pass 12PM alam nyo sabi ng doc? baka daw "ligament expansion" or baka nahigaan or natadyakan ng baby ko yung kidney ko kaya sumakit nyaakk!

Anak ng pating! yung lang? inambulansya pa ako? waaahhh! At isa pang nakakahiya ay mega dalaw agad mga in-laws ko pati yung tita ng asawa ko at pati mga kasamahan ko sa work (kasi dun ako nagtratrabaho sa hosp na yun kaya andun sila :D) hindi ko nga alam kung matatawa ako sa nangyari o maiiyak dahil good luck naman sa padating na bills namin waahh! lol! 3 blocks away lang yung hospital from our house pero sabi nasa $900 na daw ambulance pa lang waaahh!

Pero ang important ay safe si baby (ayan tinignan ko na lang ang positive side, wag na yung bills kasi negative yun lol!) eto pala pic ni baby:


Hindi ko na papakita yung pic showing his gender ha, kasi baka MTRCB tayo :lol: pero nakakatuwa kasi walang hiya hiya si baby, pinakita na nya kung ano meron siya lol! at very obvious dun yung tweety bird nya lol!

1 comment: